Up Dharma Down (UDD) – Unti-Unti lyrics

Up Dharma Down (UDD) – Unti-Unti lyrics

Unti-unting naglalapit
Ang ating mga mundo
Pag-asa ay ating bitbit
Maligaya’t walang takot

Ang saya at pagsinta’y
Tila walang kapantay
Inaabangan ang bawat pagtatagpo
Walang mintis ang tuwa sa ating dalawa
Hinamak ang lahat

Unti-unting nawawala
Ang iyong mga salita
Dahan-dahang naglalaho
Ang lahat ng pangako
Napapansing lumalayo ang iyong tingin
‘Di na alam ang dapat kong gagawin
Tuluyan ka na bang mawawala sakin

Ang tamis at aruga na laganap sa simula
Ngayo’y nabaon na
Sa puso’t isip na mapait ‘di na maibabalik
Sa unang araw

Ang pait at ang sakit
Na dati’y wala naman
Ngayon ay hindi na mailagan
Ang tanong na walang sagot,
Luha ang nagdudulot sa ating mga mata

Hanap-hanapin ang mga bulong sa gabi
Ulit-ulitin ang bawat kwento at sikreto natin
Hanggang wala na ang luha sa puso ko
Hanggang sa muli tayo rin ang magtatagpo

LEAVE A COMMENT

0 comment