Quest – Walang Hanggan lyrics

Quest – Walang Hanggan lyrics

Gulong gulo ang puso
Saan ba to patungo
Di ko alam
Di ko alam
Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan
Di ko alam
Di ko alam
Nung ika’y nilalamig ako yung init
Kapag takot sa bukas ako yung unang sisilip
Ginawa ko nang lahat hindi parin sapat kasi

Ikay mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig yung dating nagbabaga
Kung mainbabalik lang sana

Titiisin ko na kahit paulit ulit
Tapos pipilitin ko na di maulit
Ang masulyapan mo yung dulo
Akala ko walang hanggan pero may dulo

Bawat segundo saking puso iuukit
Lahat ng alalala aking iguguhit
Para makalimutan mong may dulo
Ang sabi mo walang hanggan pero eto tayo sa dulo

(instrument)

Kelan ka ba napaso
Nanlalamig na ang iyong braso
Bakit ganyan
Bakit ganyan
Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit

Saan galing ang galit
Meron bang nangaakit
Kailangan ko lang malinawan
Bakit ganyan
Bakit ganyan

Handang panindigan lahat ng ating plano
Sigurado kahit di kabisado
Gagawin ko ang lahat
Walang pake kung di sapat
Kasi ika’y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana

Nanlalamig yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana
Iindahin ko ang sakit na gumuguhit
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit

Baka masulyapan mo yung dulo
Kasi sabi mo walang hanggan ba’t merong dulo
Ibibigay ko ang lahat paulit ulit
Bawat pagkakataon ay aking isusulit
Basta matalikuran mo yung dulo
Ang sabi mo walang hanggan ba’t andito tayo sa dulo

Ohhh ohhh ohhh ohhh
Sa dulo ohh ohh ohhh ohhh

Wag ka munang tumalikod
Bumalik ka muna dito
Padampi kahit anino
Ayokong mag isa dito

Wala na bang bisa aking dalangin
Tinataboy na ba ng langit
Nakikiusap nalang sa hangin
Ngayong wala kana saakin

Bakit ba biglang meron tayong dulo
Pangako mo walang hanggan
Bakit nandyan ka sa dulo
Pwede bang kalimutan mong may dulo
Handa ako sa walang hanggan
Pangako mo walang hanggan
Akala ko walang hanggan
Pero eto tayo sa dulo

(instrumental)

Kung ikay mawawala sa aking piling
Dinggin mo ang aking bilin
Lingon ka lang paminsan minsan
Dito lang ako di ako lilisan
Sa ating dulo hindi ako lilisan
Di ako lilisan

LEAVE A COMMENT

0 comment